TEORYANG PAMPANITIKAN

 

Teoryang Pampanitikan

Teoryang Klasismo/Klasisismo

v    Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

 

Teoryang Humanismo

v    Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

 

Teoryang Imahismo

v    Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

 

Teoryang Realismo

v    Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

 

 

Teoryang Feminismo

v    Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

 

Teoryang Arkitaypal

v    Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

 

Teoryang Formalismo/Formalistiko

v    Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

 

 

 

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

v  Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

 

Teoryang Eksistensyalismo

v  Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

 

Teoryang Romantisismo

v  Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

 

Teoryang Markismo/Marxismo

v  Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

 

Teoryang Sosyolohikal

v  Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

 

Teoryang Moralistiko

v  Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

 

Teoryang Bayograpikal

v  Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

 

Teoryang Queer

v  Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.

 

Teoryang Historikal

v  Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

 

Teoryang Kultural

v  Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

 

Teoryang Feminismo-Markismo

v  Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

 

Teoryang Dekonstraksyon

v  Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

 

 


Boud ngWalang Panginoon


 

                                     (Ni Deogracias A. Rosario)

                                       (By: Janmark E. Ahig)



 

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

 

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito ay kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang
dahilan ng pagkamamatay ng kanyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa
maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.

 

Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong.
Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nag-iimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.



               Boud ng Ang Kalupi

                                  (Ni Benjamin Pascual)

Mga tauhan

Si aling Marta
           Ang batang Lalaki

Ang anak ni aling Marta
            Asawa ni aling Marta
            Si aling Gondang       

Ang Pulis

Pangunahing Kaisipan

Dapat na matuto tayong huwag mag bintang sa ating kapwa lalo na kung tayo ay hindi naman ganun kasigurado.

   

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e."
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.

Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
"Bakit ho?" anito.
"E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka,"
"Ku, e magkano ho naman ang laman?"
"E, sandaan at sampung piso ho."
Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod.

"Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata.
"Andres Reyes po."
"Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis.
Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali." Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay.
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
"Napahiyaw ang bata sa sakit."
Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan.
Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag- angat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.

"Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!"

Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.
"Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis.
Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na. Tanghali na sya ay umuwi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?
"E. . . e," Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.
"Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa
"Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo nyan?"
Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay."